Monday, February 27, 2012

Two-in-One



I love music. It doesn’t love me the same way. But it’s okay, unrequited love still has its benefits. Okay, this is a half-meant joke. Seriously. :P

My grandmother used to teach me and my ate how to play the piano when I was six. Only Ate learned it well. I know how to play Happy Birthday and Love is All That Matters, I am proud to say; it was like hearing an epic, monophonic cellphone ring tone, though.

At age 12, we were taught to play flute in class. It took me long to memorize the notes. And it took me longer to learn finger coordination. Still, it almost always sounded like a mono ring tone.

At age 13, my father taught me and my brother how to play guitar. No, not monophonic this time; but still not good enough.

Age 14, I learned to play the xylophone. This one seemed basic to me. All I has to do was strike the bars gently enough to make a “good” sound. Monophonic? Yes, again.

It is really a tough task to play music. You need to attend to the tone, the pitch, the sound in its overall; to your finger movements, to your speed in playing, and to proper timing. You integrate your auditory system with your motor and visual systems. A very exhausting task, at least for a novice like me.

And perhaps I have always remained a novice in playing instruments. I remember Malcolm Gladwell, in his book Outliers, emphasized the 10,000 hour rule to success. He said it does take that amount of time in order to gain more than just mastery at a particular field. And how many hours have I already spent in practice? Honestly, less than 36 hours all-in-all I guess.

***

10,000 hours. What does this amount of time do?

If a year has 8,766 hours, then it would take more or less a year and two months to become a pro; that is, a year and two months of continuous (take note, literally CONTINUOUS) practice. Now, that may be too much, but for someone driven by strong passion towards something, spending 10,000 hours would not be unworkable. Sadly, with all the acad stuff I need to attend to, I could hardly even spend an hour a week to play any instrument!

***

Music is indeed one field wherein the number of hours of practice is crucial in acquiring mastery. Musicians, according to several studies mentioned in D’Ausilio, Altenmuller, Olivetti Belardinelli, and Lotze (2006), provided demonstrations of the effect of intense trainings on sensory and motor primary cortex representations. Auditory-motor integrations, achieved when auditory sensations are continually associated with particular motor movements (i.e., pressing a piano bar to hear the “Do”), are strengthened with greater training time.

Associations between the auditory map and the motor map are so reinforced to the point that activity in one of these maps causes activity in the other. As an example, a study demonstrated that tapping of a violin concerto resulted in activation of the auditory cortex even in the absence of its sound.  Also, when pianists were asked to passively listen to music, primary motor cortex activation was recorded (Lotze et al., 2003; Haueisen & Knosche, 2001; both in D’Ausilio et al., 2006).

D’Ausilio and colleagues (2006) have shown that training even only for 30 minutes enhances intracortical facilitation in the brain. Even greater time spent practicing musical pieces were shown to lead to corticospinal facilitation; that is, about five days. Both physiological activities explain why musicians training on a particular piece feel as if they are being ‘driven away’ by the music. Motor excitability also was higher when musicians listened to the rehearsed piece than to non-rehearsed one.

If for at least five days of training an already strong physiological, psychological, and behavioral associations could be established, how much more could 10,000 hours of training cause?

***

I am now 19. I can play the piano, the flute, the guitar, the xylophone. But hardly had I been good at any one of them. This is a one-way-love. And now I understand, that to realize fully how much music loves me, I have to spend more time with it. 10,000 hours to be exact.


PS. Thank you for the music! :)



D’Ausilio, A., Altenmuller, E., Olivetti Belardinelli, M. & Lotze, M. (2006). Cross-modal plasticity of the motor cortex while listening to a rehearsed musical piece. European Journal of Neuroscience, 24, 955–958.        

Gladwell, M. (2008). Outliers: The Story of Success. USA: Hachette Book Group, Inc.

Indak sa Indayog

♫ Hataw na
‘Wag kang mapagod
Hataw at galaw
Ako’t ikaw (tayong lahat)...


Napapahataw ka na ba? Habang binabasa mo ang lyrics, sigurado akong napapakanta ka na sa isip mo. O di kaya’y naiisip mo si Gary V. na kinakanta ito na malamang ay sumasayaw rin sa utak mo.


*
Parte na ng buhay natin ang musika, at least para sa akin. Sa tingin ko’y aayon kayo sa akin kung sabihin kong ang lungkot kung walang musika. Madalas ko ngang naririnig at nababasa ang mga katagang “Music is my life” mula sa mga musikero at mga taong mahilig sa musika. At isa na ako sa kanila. Ayon nga kay Friedrich Wilhelm Nietzsche, “Without music, life would be a mistake.” Agree!


Kahit saan mapadpad, mayroon at mayroong isang tao diyan na kung hindi kumakanta ay nakikinig sa musika.


Sa mga kanto kung saan maraming tambay at nag-iinuman, di mawawala ang videoke. Madalas pa nga’y aakalain mong ibang bersyon ng kanta ang tumutugtog. Ito’y dahil wala sa tono o tyempo ang kumakanta, o di kaya naman ay dahil parang isinalin ang kanta sa ibang lenggwahe—lenggwahe ng mga lasing.


*
Sa mga sasakyang pampubliko madalas namang may mga pasaherong may suut-suot na earphones na napapatango dahil sa pagsabay sa awitin, pwede ring dahil sa antok (head banger pa nga ang tawag ko sa kanila at sa sarili ko na rin dahil nakakatulog din ako sa sasakyan). Kung matyempuhan namang hindi pelikula ang pinapanood sa bus, piniratang DVD ng konsert ng mga sikat na mang-aawit naman ang nakasaksak sa player. Sa mga dyip naman, madalas nakakatutok si mamang drayber sa FM station na para sa akin ay nakakainis dahil puro kanta ni Willie o puro remix o puro rap na walang sense ang umaalingawngaw. Nakakainis pa lalo kung nakakabingi na, na sa lakas ng tugtog ay hindi na marinig ni mamang drayber na may pumapara ng pasahero. Bago pa mauwi sa pagrereklamo ko balik tayo sa paksa ng sulating ito.


*
Sa mga paaralan, sa UP halimbawa, may mga estudyanteng may dala-dalang gitara at acoustic box. Nagkukumpol sila at pumupwesto kung saan man pwede at doon masayang nagja-jamming. Mayroon din naman sa academic oval na nagja-jog at may iPod o teleponong de-radyo na nakasukbit o nakasabit sa braso at nakasiksik na earphones sa tenga (malamang).


Mapapansin na sa pakikinig o pag-awit, hindi maiiwasang mapaindak. Tayo’y sumasabay sa indayog sa iba’t ibang paraan: sa pagtapik-tapik ng mga kamay o paggalaw sa mga ito na parang may tinatambol sa ere, sa pagtangu-tango, at pagpadyak-padyak (hindi ko alam ang tawag sa paggalaw ng unahang parte ng paa habang nakadikit sa sahig ang likurang bahagi ng talampakan—ganito kasi ang ginagawa ko kapag sinasabayan ang kanta). Ang karanasang ito sa musika na nagpapaindak sa atin ay tinatawag na groove (Madison, 2006) o sensorimotor coupling (Janata, Tomic & Haberman, 2012).


Binanggit sa pag-aaral nina Madison, Gouyon, Ullen, & Hörnström (2011) na ayon sa mga pag-aaral, may bayolohikal na eksplanasyon ang koneksyon sa pagitan ng ritmo ng musika at ng paggalaw. Kinakitaan ng aktibasyon ang mga bahagi ng utak na sangkot sa pagkilos ng tao (motor system) kapag nakikinig sa mga tunog na may ritmo. Iniuugnay rin sa pleasure ang mga karanasang may kinalaman sa rhythmic music. Makikita ito sa mga bahagi ng utak na naa-activate na may kinalaman sa reward at arousal (tulad ng amygdala).


Sa pag-aaral nina Madison et al. (2011), 19 na Swede ang naging kalahok. Nakinig sila sa 100 sample ng traditional folk music na nabibilang sa limang genre (mula sa limang rehiyon, kabilang na ang Greek, Indian, Jazz, Samba, and West African).  Nagtagal ng mula 9.06 hanggang 14.55 seconds ang bawat musika. Kinailangan nilang i-rate ang mga ito depende kung napapaindak sila (Groove). May dalawa pang panukat silang ginamit. Ito ay kung nakarinig na ba sila ng parehong musika (Familiar) at kung gusto nila ang musika at nais pang ituloy na pakinggan (Good). Ginawa nila ito isa-isa at nagtagal ng 41 hanggang 56 minutes.


Lumabas na ang West African, Samba, and Jazz ang may pinakamataas na rating pagdating sa Groove at sinundan ng Greek at Indian. Ibig sabihin, mas nag-e-evoke ng paggalaw ang mga musikang nabibilang sa West African, Samba at Jazz. May anim na audio signal properties na ikinakabit sa pagpapaliwanag sa resulta ng rating nga mga kalahok—Beat Salience, Event Density, Fast Metrical Levels, Systematic and Unsystematic Microtiming at tempo—na hindi ko na ipapaliwanag dahil kahit ako ay hirap na unawain ang mga ito. Pero sa pagkakaintindi ko, ang beat at kung gaano ito ka-salient sa isang musika ay maaaring magpaliwanag kung bakit napapaindak sa musika. Halimbawa, ang Samba ay may mataas na correlation sa hindi bababa sa apat na audio signal properties na maaaring mas nagdudulot ng pag-indak kumpara sa iba pang genre na ginamit sa pag-aaral. Pero dahil sa ang pag-aaral ay gumamit ng, ayon sa mga mananaliksik na rin, “unsystematic sample of music examples, this cannot in any way be generalized to these genres at large.”


Sa iba namang panukat, lumabas na hindi naman pamilyar ang lahat sa mga musika kahit pa may iilan na nagbanggit na may alam silang may kinalaman sa jazz, Latin at folk music. Mayroon ding nakitang correlation sa pagitan ng Groove at Good. Sa tingin ko ay may sense ito kung karanasan ko lang ang pagbabatayan dahil kadalasang napapa-groove ako sa mga kantang gusto ko.


Maganda sanang magkaroon din ng ganitong pag-aaral sa Pilipinas at gamitin ang mga musikang pinapakinggan sa dito. Baka maaring i-relate ito ibang psychological concepts tulad ng personality, emotion, at colonial mentality. :D

...

Hataw na ng ganyan
Ang lahat gumagalaw
Kaya hataw na!


Naalala ko tuloy ang UP Fair nito lamang buwan. Nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa fair isang gabi kung kelan si Gary V. ang bida. Sumakay kami ng ilan sa mga kaibigan ko sa flying fiesta. Napatili ako hindi dahil sa pag-ikot-ikot ng ride at pagtaas ko ere pero dahil tumugtog ang kantang ‘yan. Hudyat ng pagsalang ni Gary V. sa stage. ‘Yang kantang iyan ang ginamit niyang pambulaga sa audience. Tilian at sigawan ang mga tao. Ang galing niya lang. Karapat-dapat lang siyang tawaging Mr. Pure Energy. Parang walang kapaguran sa pagkanta at pagsayaw. At kami namang manunood at tagapakinig niya’y walang kapaguran din sa pagsabay sa pagkanta at pag-indak.

...


*
Nais ko lamang ibahagi ang quote na ito na nahanap ko sa internet:

“Music gives a soul to the universe, wings to the mind, flight to the imagination 

and life to everything.” ― Plato



Ladinig, O., & Schellenberg, E. G. (2011, July 18). Liking Unfamiliar Music: Effects of Felt
Emotion and Individual Differences. Psychology of Aesthetics, Creativity, and the Arts.
Advance online publication. doi: 10.1037/a0024671

Janata, P., Tomic, S., & Haberman, J. (2012). Sensorimotor Coupling in Music and the Psychology of the Groove. Journal of Experimental Psychology , 141 (1), 54-75.

Madison, G., Gouyon, F., Ullen, F., & Hörnström, K. (2011). Modeling the tendency for music to induce movement in humans: First correlations with low-level audio descriptors across music genres. Journal of Experimental Psychology: Human Perception and Performance , 37 (5), 1578–1594.

Sa Kantang Ito, Malalaman Mo Ang Nararamdaman Ko

Sa araw na ito, wala akong ibang gagawin,
kundi ikaw at ang ngiti mo'y isipin. 
At bigla kong maisipang isang kanta'y pakinggan,
na dati mong inawit kaya ngayon ika'y kinagigiliwan. 


Karamihan sa atin ngayon ay may pagmamay-ari na iPod, MP3 player, o pinipiling malaki ang memorya ng cellphone para mapaglagyan ng mga kanta. At marami ka ring makakasalubong sa daan na suot ang earphones na pwedeng malaki o maliit at agaw-pansin o nakatago. At dahil sa mga kagamitang ito, pwede na tayong makinig ng musika kahit nasaan man tayo o kung anuman ang ginagawa natin. Nakakatuwang isipin na lagi na tayong may background music kahit naglalakad lang tayo sa daan. O 'di ba, parang sine lang? Aminin, na-imagine mo na kahit isang beses lang na parang nasa isang music video ka kapag kunwari nag-iisip ka lang nang malalim habang nakikinig ng musika. 


Siguro rin ngayon ay hindi na o minsan na lang tayo nakikinig sa radyo at hindi na umaaasa na ipatugtog ni Mr. DJ ang gusto nating kanta at tayo na rin mismo ang bahala sa mga kantang gusto nating pakinggan. Isang click, lang, pwede na nating palitan ang kantang napapakinggan natin kung ayaw natin ito. May mga panahon na gusto nating pakinggan ang mga kantang swak na swak sa nararamdaman natin sa kasalukuyan. May mga pagkakataon din na yung pinipili natin yung kanta dahil naiisip natin na baka maiba ng awiting ito ang mood natin sa panahong iyon. 


Pano nga ba naapektuhan ng musika ang mga nararamdaman natin? Anong mga bagay ang nag-iimpluwensya satin sa paggawa natin ng playlist para sa araw na iyon? 


Naibanggit sa pag-aaral nina Pereira at mga kasama (2011) na mas may emotional engagement ang isang indibidwal sa musika na pamilyar sa kanya. Naibanggit din sa pag-aaral na ito na mas aktibo ang mga broad emotion-related limbic at paralimbic regions pati na ang reward circuitry sa musika na pamilyar sa tagapakinig. Nakita din nila na mas aktibo ang mga maliliit na bahagi ng cingulate cortex at frontal lobe, kasama na ang motor cortex at Broca's area kapag naririnig ang nagugustuhang musika kaysa sa musikang hindi gusto ng tagapakinig. 


Isa ring sinasabing batayan natin sa pagpili ng musika para sa playlist natin ay ang ating mood. Ayon sa pag-aaral nina Vuoskoski at Eerola (2010) na may impluwensya ang ating mood sa kung papaano natin maiintindihan ang emosyon na dala ng musikang pinakinggan natin. Pinag-aralan din dito ang kinalaman ng personalidad ng isang indibidwal sa tipo nyang musika.


Naobserbahan ng mga mananaliksik na ang current mood ay may kinalaman sa mood-congruent biases sa pagsusuri sa emosyon na dala ng musika ngunit nakokontrol naman ng extraversion ang degree ng mood-congruence. Nalaman din nila na ang mga personality traits ay may malaking kinalaman sa gusto na musika ng isang indibidwal. 


Dahil sa iba-iba ang bawat isa sa atin at iba-iba ang tumatakbo sa ating isipan, masasabi natin na iba-iba rin ang nagiging epekto sa atin ng musika na pinapakinggan natin. Kung ang isang kanta man ay nakakapagpasaya sa iyo, baka ang kantang ito rin ang magpapatulo ng luha sa mga mata ko. Pero kahit anong emosyon man ang maidulot nito sa atin, tunay na ang musika ay deretso-tagos sa puso. 


Hayaan nyong tapusin natin ang usapang ito sa quote na ito: 


I have my own particular sorrows, loves, delights; and you have yours.  But sorrow, gladness, yearning, hope, love, belong to all of us, in all times and in all places.  Music is the only means whereby we feel these emotions in their universality.  ~H.A. Overstreet

Sanggunian:


*Pereira CS, Teixeira J, Figueiredo P, Xavier J, Castro SL, et al. (2011) Music and Emotions in the Brain: Familiarity Matters. PLoS ONE 6(11): e27241. doi:10.1371/journal.pone.0027241
*Vuoskoski J, Eerola T. (2010) The Role of Mood and Personality in the Perception of Emotions Represented by Music. Cortex 47(9): 20 November 2010. Retrieved from http://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0010945211001067. 27 February 2012


Sina Ate at Kuya ay mula rito at rito.



Thursday, February 23, 2012

Gamit ang Ilaw na Mataas, Alaala ko'y Walang Kupas


Sa tuwing may readings na kailangang basahin sa klase o may nalalapit na paper o exam, hindi nawawala sa kamay ko ang iilang mga bagay. Una: ang highlighter. Pangalawa: colored pens. Pangatlo: papel.

Sa pagbabasa ng readings at kung ano pang kailangan sa klase, hawak-hawak ko ang highlighter para mamarkahan ko na kaagad ang mga importanteng detalye. Hindi ko naman naisip na sa bandang huli, ganito na ang itsura ng babasahin ko:

Hindi naman siguro ako nag-iisa dito. At dahil sa hindi tayo sigurado kung ano ang lalabas at itatanong sa exam, lahat ng detalye, nagiging importante.

At sa paggawa naman ng reviewer, hindi ako nagsisimula hangga’t hindi ko nailalabas ang aking mga colored pens. Ang mga higit na mahalagang termino ay nakasulat sa ibang kulay na tinta tulad ng berde, asul, o kung ano pa habang ang mga kahulugan naman nito ay naka-tintang itim lamang. Mas madali kasi para sakin na hanapin ang mga keywords kung iba na ang kulay nila sa simula pa lang.

At pagdating sa exam, kung may nakalimutan mang termino, inaalala ko kung na-highlight-an ko ba ito o naisulat ko sa aking reviewer gamit ang colored pens ko. Minsan, nagtatagumpay sa pag-aalala, minsan, hindi. Pero aminin, hindi ako nag-iisa sa paggawa nito. J

Nakakatuwa lang din isipin na kahit papano, sinusubukan natin nag awing mas exciting ang pag-aaral. Ginagawa natin itong makulay, imbes na black and white lamang. Hindi man siguro natin alam sa una, ang mga kulay, ay mayroon ding naitutulong sa atin sa ating pag-aaral.

Nagsisimula ang lahat ng ito sa color-grapheme synesthesia, kung saan binibigyan ng katapat na kulay ang mga letra o salita na ginagamit natin araw-araw.

Sinabi nina Spector at mga kasama (2011) na may mga kulay na ina-associate sa ilang mga letra sa alpabeto. Ang mga English-speaking adults ay  naihahambing ang mga letrang ito sa mga kulay dahil sa hugis ng mga ito. Halimbawa dito ay ang paghahambing ng letrang I at ang mga hugis ameboid na letra sa puti, at ang letrang Z at mga jagged o may anggulong hugis ay inihahambing sa kulay na itim.

Kung maihahambing nga natin ang mga kulay sa mga salita sa memorya natin, hindi naman kahit anong kulay ang pwede nating ihambing sa isang salita. Naibanggit sa pag-aaral nina Radvansky at kaniyang mga kasama (2011) na mahihirapan sa recall kung hindi naman congruent ang mga kulay sa mga salita na kailangang alalahanin. Nabigyan din ng pag-aaral na ito ng consistency ng kaalaman na mas binibigyang pansin sa color-graphic synesthesia ang mga mababaw na kahulugan ng mga salita imbes na ang mga malalim na kahulugan nito.
Ang mga kaalaman na ito, hindi ko sigurado kung makakatulong talaga ang mga ito sa akin sa pag-aaral ko para sa mga exam at kung anu-ano pa. Lalo na’t hindi yung malalim na kahulugan ang mananatili sa utak ko. Pero, it’s worth a try. 

Nakakatuwa ding malaman na may mga kulay tayong  inihahambing sa mga salitang ginagamit natin. At siguro, ang mga paghahambing na ito na lagi nating naalala ay dahil din sa mga kaalaman natin. At sa tingin ko, malaki din talaga ang nagiging impluwensya ng mga kaalamang ito ang pagtingin natin sa mga bagay-bagay na nasa paligid natin.

Marami sa atin ang nagagambala sa mga pangyayari sa buhay natin. Kung pano ito nagiging makulay, ito ay dahil sa dinami-rami nating mga karanasan at sa mga reaksiyon at mga naiisip natin sa mga karanasang ito.


Sabaw.


Sanggunian:
Spector, F., Maurer, D..(2011). The Colors of the Alphabet: Naturally-biased associations between shape and color. Journal of Experimental Psychology: Human Perception and Performance, Vol 37(2), 484-485
Radvansky, G., Gibson, B., McNerney, M. W., (2011). Synesthesia and Memory: Color Congruency, von Restorff, and False Memory Effects. Journal of Experimental Psychology: Learning, Memory, and Cognition, Vol 37(1), 219-229

Ang mga larawan na ginamit sa blig na ito ay mula sa 9gag at sa 9gag

Monday, February 20, 2012

Commonwealth, Accidents, and Everything in Between



Ghost Riders*
I had been travelling the notably dangerous Commonwealth Avenue for four years now. And there’s one important thing I learned: THIS ROAD REALLY KILLS. It kills riders and street crossers. And even occasionally, it kills my time.

Early preparation for school does not necessarily mean I would arrive early in class. Well, the probability that I would is high, but there’s still that minute but always threatening likelihood that I would not. Nothing is impossible with Commonwealth, as they say. There are those predictable ‘regularities’: Rallies happen whenever government officials gather at Sandigang Bayan; Monday mornings, or whatever day it is after long break mean heavier traffic. And there are those common-yet-I-don’t-know-when-would-strike happenings: rallies against fare hikes and other social issues; unsystematic road constructions; accidents. Yes, even accidents are common.

They read, but they don't mind.**
There are but a few pedestrian crossings along this 12.5km- avenue, and there are too many overpasses. Some of which are apparently useless, as many undisciplined people prefer to take the for-their-eyes-only pedestrian lanes over the oh-so-tiring-to-climb and oh-so-nakakalula footbridges.  Those rude drivers make the scenario worse. Swerving unpredictably. Switching lanes anytime they wish to. Avoiding the Yellow Men and pressing themselves on the commuters. They choose to risk their own lives just so they could save time and energy. They trust their senses and skills to be accurate enough to get them through safely. What they are not much aware of is that a lot of times, what they thought of to be enough for them to get by is actually not enough. They are being deceived.

Perception of speed, as in perception of any other things, is biased. For one, it was found to be influenced by perceived contrast. When the things on the environment appear to move in approximately the same speed as the target (low-contrast), the target appears to be moving slower than it actually does. The opposite is true for high-contrast situations. However, in the study by Stocker & Simoncelli (2006), it was found that this contrast-induced bias was reduced when the speed of the moving target was at the high end. Still, the participants were unable to make sound judgments of the speeds at this range.

Looming and optical perceptions do provide help in speed judgments. In fact, Wann, Poulter & Purcell (2011) have shown that children’s less sensitivity to looming make them more prone to inaccurately detect a vehicle moving at speeds more than 25kph, especially when scene motion was out of central (extrafoveal) vision. Also at extrafoveal vision, even adults encounter difficulty detecting looming when the vehicle was laterally moving. Adults, compared to children, obviously made better judgments of vehicular speed. Nonetheless, it wasn't too accurate.

Generally, there is a tendency to underestimate speed (Conchillo, Recarte, Nunes & Ruiz, 2006). They have found that highway traffic increases the complexity of the speed estimation tasks, and that drivers reported moving at lower speed rates than they actually do. Same was the case for the non-drivers.


We rely on cues as we judge, but these cues go with a lot of noise. And oftentimes we don’t take a lot of time trying to be critical in interpreting them. We rely on our senses and abilities as we judge. We use our instincts. We use our past knowledge. We use our confidence in our past interpretations. Why not? It does, after all, save us a lot of time and spare us from further exhaustion. I remember my friend once told me, that if we take every detail of things too much, we would break down. I responded, if we don’t take every detail of some important things too much, we would die. Nonetheless, I know, and researches have repeatedly proven, that though we pay attention on certain things, details slip our consciousness. Paying attention to the cues does not guarantee accurate judgments. Neither survival. Because at any point, even your own senses and perceptions may deceive you.

People do not see 'reality' as it is. They make their own reality based on whatever is out there, and whatever is in them. Maybe a lot of times the discrepancy is not so huge, but at times even a small discrepancy could mean risking our own life. So I hope we choose the safer side, especially at Commonwealth.

Conchillo, A., Recarte, M. A., Nunes, L. & Ruiz, T., (2006). The Spanish Journal of Psychology, 9(1), 32-37.
Stocker A. A. & Simoncelli, E. P. (2006). Noise characteristics and prior expectations in human visual speed perception. Nature Neuroscience, 9 (4), 578- 585.
Wann, J. P., Poulter, D. R. & Purcell, C. (2011). Reduced sensitivity to visual looming inflates the risk posed by speeding vehicles when children try to cross the road. Psychological Science. DOI: 10.1177/0956797611400917


*Rivera, E. (Octover, 2011).  Down to one a week: Motorcycle accidents drop with MMDA's blue lane. Retrieved February 20, 2012 from http://www.noypi.ph/index.php/metro/5064-down-to-1-a-week%3A-motorcycle-accidents-drop-with-mmda%E2%80%99s-blue-lane.html
**Ahab, I. F. (July, 2011). Mayor Bistek is scarier than the MMDA sign. Retrieved  February 20, 2012 from http://theparadoxicleyline.blogspot.com/2011/07/mayor-bistek-is-scarier-than-mmda-sign.html

Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan.

Hindi naman ganoon kaganda ang tanawin. Pero bakit kaya masayang pakiramdam ang dala ng paglalakad-lakad sa lugar na ito?

Ah. Kasi kasama kita.

Nabalot ang bawat nadadaanan natin ng masayang kwentuhan at wagas na tawanan. Biruan at tuksuan nati’y walang tigil na para bang wala ng bukas. Sa katatawa ay napapalundag ako. Napapakandirit at napapaimbay pa nga ako sa tuwa imbes na maglakad lamang ng marahan gaya ng isang dalagang Filipina. Ikaw naman na walang humpay sa pagbitaw ng mga biro at banat ay pangiti-ngiti lang.  Sa buong oras na magkasama tayo’y ganito ang eksena. Hindi ko nga napansin na papalapit na tayo sa ating destinasyon, sa lugar kung saan tayo ay maghihiwalay.

Sa paglipas ng ilang minuto ay natanaw ko na ang maraming sasakyan. Ayan na, malapit na. Mga sapin sa paa nati’y tila bumibigat. Usad nati’y parang pagong sa bagal. At habang papalapit pa’y, pabagal ng pabagal ang lakad natin. Inaabot ng isang segundo ang bawat hakbang at tila ba hinihila paatras.


Bakit kaya ganito?

          Maraming pag-aaral na ang isinagawa tungkol sa pagkilos ng tao at kung paano ito naaapektuhan ng emosyon. Sa pag-aaral nina Stins, Roelofs, Villan, Kooijman, Hagenaars, & Beek (2011), sinasabing ang facial expressions bilang social cues ay maaaring magdulot din ng pagbabago sa pagkilos. Dito, ang mga kalahok na puro babae ay dumaan sa dalawang experimental conditions: affect-congruent at affect-incongruent. Sa unang condition sila ay kinakailangan humakbang paabante bilang tugon sa masayang mukha at paatras naman kung galit ang mukha. Samantala, sa ikalawang condition, binaliktad ang instructions. Binigyan-diin din sa mga kalahok ang speed at accuracy sa pagsasagawa ng experiment. Sinukat sa pag-aaral na ito ang postural immobility (mga kilos pagkapakita ng larawan bago pa man humakbang), reaction time (oras sa pagitan ng pagpapakita ng larawan at ng pag-angat ng binti), at peak velocity (ang maksimum na bilis ng paghakbang). Lumabas na mas mababa ang postural immobility sa affect-incongruent kaysa sa affect-congruent condition. Dahil raw ito sa mas mataas na demand ng atensyon na kailangan sa pagproseso ng mga incongruent instruction.Sa reaction time naman, mas mabilis ang paghakbang sa affect-congruent condition pero kapag happy faces ang ipinakita. Mas mahaba-habang oras kasi ang kailangan ng mga kalahok sa pag-initiate ng hakbang kung angry faces ang ipinakita kumpara kung happy faces. Kaunti lang ang pagkakaiba sa peak velocity pero mas mataas kapag happy faces. Ayon sa mga researcher, ipinapakita nitong ang mga tao ay namo-motivate na lumapit sa mga kanais-nais na bagay at umiwas naman sa mga hindi (hedonic principle).


          Ang ilang pag-aaral naman ay nakasentro paglakad. Sa isang pag-aaral nina Gross, Cranem & Fredrickson (2012), pinakamabilis ang paglakad kapag ang emosyong iniuugay ay joy at anger at pinakamabagal naman kapag sadness. May kinalaman pa rin sa bilis, lumalabas sa isa pang pag-aaral na mas mabilis ang paghakbang kapag erotic pictures ang ipinakita kumpara kung ang litrato ay naglalarawan ng happy people, attack, mutilation, contamination, at neutral (Naugle, Joyner, Hass, & Janelle, 2010). Sa parehong pag-aaral sinukat din maging ang haba ng unang dalawang paghakbang pagkapakita ng larawan. Ang resulta, mas maiksi ang hakbang kapag mutilation at contamination pictures ang ipinakita kaysa kung erotic pictures. Ibig sabihin, ang kilos natin ay namo-motivate ng mga istimyulong mahalaga sa ating survival at bumibilis ito kapag kanais-nais ang emosyong dulot ng isang istimyulo. 

         
(Kaya naman pala ganoon ang kilos ko kapag kasama ka--masaya kasi ako. At ngayong kailangan na nating maghiwalay, malungkot na ako.)





Nais ko pa sanang sulitin ang mga oras na magkasama tayo subalit, nakakalungkot man, ay kailangan ko ng magpaalam. Kailangan na nating maghiwalay dahil magkasalungat ang direksyon ng landas na ating tatahakin.


Ilang sandali pa’y hindi na kita matanaw. Wala na ang mga ngiti. Bagsak na ang mga balikat at braso kong kanina'y di mapakali. Pakiramdam ko nga bumagal pati pagtibok ng puso ko.


Di nagtagal napagtanto kung hindi ako dapat malungkot. May ibang pagkakataon pa. Sa ngayon ay sasariwain ko na lang muna ang alaala ng mga nangyari ngayon. Masayang alaala ang dala-dala ko sa pag-uwi. Ngayong iniisip ko ang mga nangyari, di ko mapigilan ang sarili sa pagngiti. Bumibilis ang lakad ko. Ang balakang ko’y humahampas na parang may sinasabayang indayog. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan.


Gross, M. M., Crane, E. A., & Fredrickson, B. L. (2012). Effort-Shape and kinematic assessment of bodily expression of emotion during gait. Human Movement Science , 30 (1), 202-221.
Naugle, K. M., Joyner, J., Hass, C. J., & Janelle, C. M. (2010). Emotional influences on locomotor behavior. J Biomech , 43 (16), 3099-103.
Stins, J. F., Roelofs, K., Villan, J., Kooijman, K., Hagenaars, M. A., & Beek, P. J. (2011). Walk to me when I smile, step back when I’m angry: emotional faces modulate whole-body approach–avoidance behaviors. Exp Brain Res , 212 (4), 603–611.
*ang mga larawan ay mula dito, dito at dito.


Narinig ko. Nakita mo?

Inaabangan ko ang pagdating mo. May dala ka kasing pasalubong 'di ba? Sabi ko kaya kanina sa telepono na bumili ka. Kaya heto ako, nakaabang sa labas ng bahay. Nilalamok. Ang tagal mo naman. Gutom na ako. Bigla kong narinig ang tunog ng makina ng tricycle. Parang mabilis yung pagpapatakbo nung driver. Sabi ko sa sarili ko, "Yes! In 2 minutes, makakakain na ako!" At yun, nakita ko na ang pagliko ng trike papunta sa bahay namin. Mukha ngang mabilis. Naisip ko nun paparada na siya in 10 seconds. Binilangan ko pa. As usual, sumobra sa 10 seconds yung bilang ko. O, nasan na yung pasalubong ko?! Di ka bumili? BAKIT?! Kuya naman. Pwede bukas bili mo ko ng pasalubong? Please? PLEASE?


Ayun. Pinaasa na naman ako. Maiba tayo, napansin kong may mga pagkakataong iba ang nakikita sa naririnig, at iba rin ang naririnig sa nakikita natin. Hmm. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Paano kaya yun?

Naibanggit sa pag-aaral na ang tunog ay nakakapagbigay ng cues tungkol sa kilos ng isang stimulus pero mas maraming impormasyon hinggil sa kilos ang nakikita ng mata. (Manaka et al., 2009)

Ayon sa pag-aaral nina Sekuler, Sekuler, at Lau (1997), nababago ng mga tunog ang visual perception ng galaw o kilos. Sa pag-aaral nila, naobserbahan nilang ang perception ng isang bolang tumatalbog ay mas naitataguyod kapag naririnig ng kalahok ang tunog ng tumatalbog na bola bago o habang nakikita nila ang kilos. 

Naobserbahan rin sa pag-aaral nina Manaka at mga kasama (2009) ang impluwensya ng tunog sa visual perception ng kilos kung saan ang isang blinking dot ay 'nakikitang' papunta sa kaliwa kapag ang kasabay na tunog ay mula sa kaliwa ng kalahok. 

Ang mga pag-aaral na ito ay iilan lamang sa napakaraming mga pananaliksik hinggil sa ugnayan ng ating pandinig at sa visual perception natin ng kilos. Nakakatuwa lang isipin na hindi lamang sa mga mata natin mape-perceive ang motion 

*Gusto ko lang palang idagdag na nakikiramay ako sa lahat ng nalulungkot, at ako din naman, sa paglisan ng idolo ng marami, lalo na ng mga nangangarap na gumaling sa pagkanta (tulad ko), na si Whitney Houston. Sa tunog ng huling linya ng "I will always love you"... We will always love youuuuuuuu~ Paalam, Idol.




-Thea. (di ko pa alam kung pano maging contributor. haha. peace world.)

Mga Sanggunian:

Hidaka, S., Manaka, Y., Teramoto, W., Sugita, Y., Miyauchi, R., Gyoba, J., Suzuki, Y., et al. (2009). Alternation of Sound Location Induces Visual Motion Perception of a Static Object. (A. O. Holcombe, Ed.)PLoS ONE4(12), 6. Public Library of Science. Retrieved from http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/19997648

Sekuler, R., Sekuler, A. B., & Lau, R. (1997). Sound alters visual motion perception. Nature. Retrieved from http://www.mendeley.com/research/sound-alters-visual-motion-perception/

**Ang mga larawan ay mula kay Shrek at kay Whitney. 


Monday, February 13, 2012

Love on V-Day. And Any Other Day. :)

MALIGAYANG ARAW NG MGA PUSO, KAIBIGAN! Este, KA-IBIGAN! Araw na naman ng mga puso. At syempre, puno na naman ng kilig ang mga may better half.


Hindi maiwasang makita ang mga couples sa araw na karaniwang ipinagdiriwang nila, na kasing-espesyal ng kanilang weeksary, monthsary, o anniversary. At ito ang kadalasang itsura nila sa nga araw na iyon. :)


Magkahawak-kamay o magka-akbay, pareho ang suot na damit na tinatawag na couple shirt, abot-tenga ang ngiti at abot-langit ang kilig. 

Pero maiba tayo. Ikaw ba, may better half ka na din? Ako kasi, wala pa. Hehe. Pero sa araw na ito, gusto ko ding kiligin. :) At simple lang ang magpapakilig sa mga katulad ko. Ganito lang 'yun.


Pwede ring ito. :) Ikabubusog at ikatutuwa talaga naming mga babae 'to. :) 

                                          *mula sa facebook

Pero sa kahit anong araw, marinig ko lang ang awiting ito, bumibilis na kaagad ang pintig ng puso ko. :)   

                                         *mula sa Youtube


Sana'y hindi tayo magsawang umibig at ibigin. :) Hayaan nyong tapusin ko ito sa isang banat. 

Dati kelangan ko pang matulog para mapanaginipan ka...Ngayon mas gusto kong gumising para makapiling ka. <3 <3 <3 

Laws of Love. Ay, Gestalt pala!



Gestalt laws and principles? Love? Sa isang photoblog? Pwede ba ‘yon? Pwede mag-complain muna? Ang hirap kasi.

Ayan. Okey na. Nakapag-complain na ako.

Ilang araw kong pinag-isipan kung anu-anong larawan ang maaari kong ilagay na magpapakita ng Gestalt laws and principles na may kinalaman sa love. February pa naman, buwan ng pag-ibig, pero parang di ako makaisip ng mga bagay na tungkol sa pag-ibig.

Hindi ko matiyak kung swak ang mga naisip ko, ang mga kinunan ko ng larawan at ang mga hiniram kong larawan sa paksa ng photoblog na ito. Pero sana oo.
...


Law of Similarity 
"Similar things appear to be grouped together."1 
Sa mga cupcakes na ito, na magandang ibigay sa taong minamahal ngayong Valentine's Day lalo na 'yong may toppings na puso, makikita ang law of similarity.
 ...

Photo by Art Nover Fabia.
Law of Familiarity
“...things that form patterns that are familiar or meaningful are likely to become grouped together”1
Ang mga braso ay bumuo ng isang pattern na pamilyar tayong lahat, 
isang simbolong makahulugan. Puso.








Law of Common Fate
"Things that are moving in the same direction appear to be grouped together."1
Sa larawang ito, patungo sa iisang direksyon ang dalawang indibidwal, sa altar.
Common fate nga naman! Nakatadhana sila para sa isa’t isa. <3











Law of Closure 
"We tend to perceptually close up, or complete, objects that are not, in fact, complete."2
Kahit pa hindi buo ang naka-“pintura” sa pader ay nakikita pa rin ito bilang puso.
Broken nga lang. :( 
Panahon ang kailangan upang ito’y maghilom at magkakaroon din ng closure ang bagay-bagay. 






Law of Pragnanz
Every stimulus pattern is seen in such a way that the resulting structure is as simple as possible.”1


Kung sa libro, ang Olympic symbol ang ginamit na example, Sogo naman ang sa akin. Tadaa!
Nababasa pa rin natin ang nag-o-overlap na S-O-G-O bilang "Sogo".





SOGO. Where lovers go.
('Yan na lang sana ang kanilang tagline kaysa "SO CLEAN...SO GOOD!
HAHAHA!)



Gestalt at Love? Pwede!

Pahabol lang:

Habang naglalakad kami ni Dwight sa Acad Oval ay pinag-usapan namin kung paano at ano ang ilalagay sa blog na ito. Nang matapat kami sa College of Engineering, may nakita si Dwight sa dinadaanan naming pavement. Ito lamang ang naiiba sa lahat ng nakasulat (naka-engrave) sa pavers tulad ng Ganito-ganyan Family, So-and-so Family, Class 19-kupong-kupong, at iba pa. Sadyang nakakatuwa ito dahil hindi mo aakalain, at least kami hindi namin inakala, na may mababasang ganito doon.

Nakita niyo na ba ito? Kung hindi, subukan ninyong hanapin. :D 


1. Goldstein, E. B. (2010), Sensation and Perception (8th ed.). CA: Wadsworth.
2. Sternberg, R. J. (2011) Discovering Cognitive Psychology.Singapore: Cengage Learning Asia Pte. Ltd.
* Sogo logo from http://quezonavenue.com/wp-content/uploads/2009/09/hotel-sogo-quezon-avenue.jpg

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...