Thursday, February 23, 2012

Gamit ang Ilaw na Mataas, Alaala ko'y Walang Kupas


Sa tuwing may readings na kailangang basahin sa klase o may nalalapit na paper o exam, hindi nawawala sa kamay ko ang iilang mga bagay. Una: ang highlighter. Pangalawa: colored pens. Pangatlo: papel.

Sa pagbabasa ng readings at kung ano pang kailangan sa klase, hawak-hawak ko ang highlighter para mamarkahan ko na kaagad ang mga importanteng detalye. Hindi ko naman naisip na sa bandang huli, ganito na ang itsura ng babasahin ko:

Hindi naman siguro ako nag-iisa dito. At dahil sa hindi tayo sigurado kung ano ang lalabas at itatanong sa exam, lahat ng detalye, nagiging importante.

At sa paggawa naman ng reviewer, hindi ako nagsisimula hangga’t hindi ko nailalabas ang aking mga colored pens. Ang mga higit na mahalagang termino ay nakasulat sa ibang kulay na tinta tulad ng berde, asul, o kung ano pa habang ang mga kahulugan naman nito ay naka-tintang itim lamang. Mas madali kasi para sakin na hanapin ang mga keywords kung iba na ang kulay nila sa simula pa lang.

At pagdating sa exam, kung may nakalimutan mang termino, inaalala ko kung na-highlight-an ko ba ito o naisulat ko sa aking reviewer gamit ang colored pens ko. Minsan, nagtatagumpay sa pag-aalala, minsan, hindi. Pero aminin, hindi ako nag-iisa sa paggawa nito. J

Nakakatuwa lang din isipin na kahit papano, sinusubukan natin nag awing mas exciting ang pag-aaral. Ginagawa natin itong makulay, imbes na black and white lamang. Hindi man siguro natin alam sa una, ang mga kulay, ay mayroon ding naitutulong sa atin sa ating pag-aaral.

Nagsisimula ang lahat ng ito sa color-grapheme synesthesia, kung saan binibigyan ng katapat na kulay ang mga letra o salita na ginagamit natin araw-araw.

Sinabi nina Spector at mga kasama (2011) na may mga kulay na ina-associate sa ilang mga letra sa alpabeto. Ang mga English-speaking adults ay  naihahambing ang mga letrang ito sa mga kulay dahil sa hugis ng mga ito. Halimbawa dito ay ang paghahambing ng letrang I at ang mga hugis ameboid na letra sa puti, at ang letrang Z at mga jagged o may anggulong hugis ay inihahambing sa kulay na itim.

Kung maihahambing nga natin ang mga kulay sa mga salita sa memorya natin, hindi naman kahit anong kulay ang pwede nating ihambing sa isang salita. Naibanggit sa pag-aaral nina Radvansky at kaniyang mga kasama (2011) na mahihirapan sa recall kung hindi naman congruent ang mga kulay sa mga salita na kailangang alalahanin. Nabigyan din ng pag-aaral na ito ng consistency ng kaalaman na mas binibigyang pansin sa color-graphic synesthesia ang mga mababaw na kahulugan ng mga salita imbes na ang mga malalim na kahulugan nito.
Ang mga kaalaman na ito, hindi ko sigurado kung makakatulong talaga ang mga ito sa akin sa pag-aaral ko para sa mga exam at kung anu-ano pa. Lalo na’t hindi yung malalim na kahulugan ang mananatili sa utak ko. Pero, it’s worth a try. 

Nakakatuwa ding malaman na may mga kulay tayong  inihahambing sa mga salitang ginagamit natin. At siguro, ang mga paghahambing na ito na lagi nating naalala ay dahil din sa mga kaalaman natin. At sa tingin ko, malaki din talaga ang nagiging impluwensya ng mga kaalamang ito ang pagtingin natin sa mga bagay-bagay na nasa paligid natin.

Marami sa atin ang nagagambala sa mga pangyayari sa buhay natin. Kung pano ito nagiging makulay, ito ay dahil sa dinami-rami nating mga karanasan at sa mga reaksiyon at mga naiisip natin sa mga karanasang ito.


Sabaw.


Sanggunian:
Spector, F., Maurer, D..(2011). The Colors of the Alphabet: Naturally-biased associations between shape and color. Journal of Experimental Psychology: Human Perception and Performance, Vol 37(2), 484-485
Radvansky, G., Gibson, B., McNerney, M. W., (2011). Synesthesia and Memory: Color Congruency, von Restorff, and False Memory Effects. Journal of Experimental Psychology: Learning, Memory, and Cognition, Vol 37(1), 219-229

Ang mga larawan na ginamit sa blig na ito ay mula sa 9gag at sa 9gag

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...