Gestalt laws and principles? Love? Sa isang photoblog? Pwede
ba ‘yon? Pwede mag-complain muna? Ang hirap kasi.
Ayan. Okey na. Nakapag-complain na ako.
Ilang araw kong pinag-isipan kung anu-anong larawan ang
maaari kong ilagay na magpapakita ng Gestalt laws and principles na may
kinalaman sa love. February pa naman, buwan ng pag-ibig, pero parang di ako
makaisip ng mga bagay na tungkol sa pag-ibig.
Hindi ko matiyak kung swak ang mga naisip ko, ang mga
kinunan ko ng larawan at ang mga hiniram kong larawan sa paksa ng photoblog na
ito. Pero sana oo.
...
Law of Similarity
"Similar
things appear to be grouped together."1
Sa mga cupcakes na ito, na magandang ibigay sa
taong minamahal ngayong Valentine's Day lalo na 'yong may toppings na puso,
makikita ang law of similarity.
Photo by Art Nover Fabia. |
Law of Familiarity
“...things that form patterns that are familiar or meaningful are
likely to become grouped together” 1
Ang
mga braso ay bumuo ng isang pattern na pamilyar tayong lahat,
isang simbolong
makahulugan. Puso.
Law
of Common Fate
"Things that are moving in the same direction appear to be grouped together."1
Sa larawang ito, patungo sa iisang direksyon ang dalawang indibidwal, sa altar.
Common fate nga naman! Nakatadhana sila para sa isa’t isa. <3
Law of Closure
"We
tend to perceptually close up, or complete, objects that are not, in fact,
complete."2
Kahit pa hindi buo ang naka-“pintura”
sa pader ay nakikita pa rin ito bilang puso.
Broken nga lang. :(
Panahon ang kailangan upang ito’y
maghilom at magkakaroon din ng closure ang bagay-bagay.
Law of Pragnanz
“Every stimulus pattern is seen in such a way that the resulting structure is as simple as possible.”1
Kung sa libro, ang Olympic symbol ang ginamit na example, Sogo naman ang sa akin. Tadaa!
Nababasa pa rin natin ang nag-o-overlap na S-O-G-O bilang "Sogo".
Nababasa pa rin natin ang nag-o-overlap na S-O-G-O bilang "Sogo".
SOGO. Where lovers go.
('Yan na lang sana ang kanilang tagline kaysa "SO CLEAN...SO GOOD!
HAHAHA!)
Gestalt at Love? Pwede!
Pahabol lang:
Habang naglalakad kami ni Dwight sa Acad Oval ay
pinag-usapan namin kung paano at ano ang ilalagay sa blog na ito. Nang matapat
kami sa College of Engineering, may nakita si Dwight sa dinadaanan naming
pavement. Ito lamang ang naiiba sa lahat ng nakasulat (naka-engrave) sa pavers
tulad ng Ganito-ganyan Family, So-and-so Family, Class 19-kupong-kupong, at iba
pa. Sadyang nakakatuwa ito dahil hindi mo aakalain, at least kami hindi namin
inakala, na may mababasang ganito doon.
Nakita niyo na ba ito? Kung hindi, subukan ninyong hanapin. :D
1. Goldstein, E. B. (2010), Sensation and Perception (8th
ed.). CA: Wadsworth.
2. Sternberg, R. J. (2011) Discovering Cognitive Psychology.Singapore: Cengage
Learning Asia Pte. Ltd.* Sogo logo from http://quezonavenue.com/wp-content/uploads/2009/09/hotel-sogo-quezon-avenue.jpg
No comments:
Post a Comment