Ayun. Pinaasa na naman ako. Maiba tayo, napansin kong may mga pagkakataong iba ang nakikita sa naririnig, at iba rin ang naririnig sa nakikita natin. Hmm. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Paano kaya yun?
Naibanggit sa pag-aaral na ang tunog ay nakakapagbigay ng cues tungkol sa kilos ng isang stimulus pero mas maraming impormasyon hinggil sa kilos ang nakikita ng mata. (Manaka et al., 2009)
Ayon sa pag-aaral nina Sekuler, Sekuler, at Lau (1997), nababago ng mga tunog ang visual perception ng galaw o kilos. Sa pag-aaral nila, naobserbahan nilang ang perception ng isang bolang tumatalbog ay mas naitataguyod kapag naririnig ng kalahok ang tunog ng tumatalbog na bola bago o habang nakikita nila ang kilos.
Naobserbahan rin sa pag-aaral nina Manaka at mga kasama (2009) ang impluwensya ng tunog sa visual perception ng kilos kung saan ang isang blinking dot ay 'nakikitang' papunta sa kaliwa kapag ang kasabay na tunog ay mula sa kaliwa ng kalahok.
Ang mga pag-aaral na ito ay iilan lamang sa napakaraming mga pananaliksik hinggil sa ugnayan ng ating pandinig at sa visual perception natin ng kilos. Nakakatuwa lang isipin na hindi lamang sa mga mata natin mape-perceive ang motion.
*Gusto ko lang palang idagdag na nakikiramay ako sa lahat ng nalulungkot, at ako din naman, sa paglisan ng idolo ng marami, lalo na ng mga nangangarap na gumaling sa pagkanta (tulad ko), na si Whitney Houston. Sa tunog ng huling linya ng "I will always love you"... We will always love youuuuuuuu~ Paalam, Idol.
-Thea. (di ko pa alam kung pano maging contributor. haha. peace world.)
Mga Sanggunian:
Hidaka, S., Manaka, Y., Teramoto, W., Sugita, Y., Miyauchi, R., Gyoba, J., Suzuki, Y., et al. (2009). Alternation of Sound Location Induces Visual Motion Perception of a Static Object. (A. O. Holcombe, Ed.)PLoS ONE, 4(12), 6. Public Library of Science. Retrieved from http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/19997648
Sekuler, R., Sekuler, A. B., & Lau, R. (1997). Sound alters visual motion perception. Nature. Retrieved from http://www.mendeley.com/research/sound-alters-visual-motion-perception/
No comments:
Post a Comment