Nasubukan mo na bang mahawakan ng isang taong di
mo kakilala? Eh ng taong mahal mo? Alin ang mas gusto mo? Aminin. Halata naman eh. Nakakatakot kaya kung hahawakan ka ng isang taong di mo naman kilala.
* |
Ngunit ang mga gawaing pisikal na nabanggit ay
hindi lamang natin ginagawa sa romantic relationships. Ginagamit natin ang mga
ito sa pag-convey ng mga emosyon sa iba pang tao, kaibigan, kapamilya, kapuso,
kabarkada o estranghero man--maliban na lamang siguro sa paghalik lalo na sa
lips.
* |
Ang mga ito rin ang ginamit sa pag-aaral nina
Thompson & Hampton (2011) ngunit sa pagkakataong ito ay magsing-irog :)) ang mga kalahok. Inalam nila kung gaano ka-accurate ang paghula sa emosyon na
isasagawa sa kapareha o sa hindi kakilala sa pamamagitan ng touch. Ang
magsasagawa ng emosyon sa pamamagitan ng touch ay tinawag na encoder samantalang decoder naman ang mag-i-interpret sa kung anong emosyon ang
isinagawa sa kanyang braso at sasagot sa pamamagitan ng pagbilog sa salita
(emosyon) sa isang listahan. Sa isang testing
session magkatapat ang encoder at
decoder kung saan mayroong kurtina sa
pagitan nila. Sinasabi ng experimenter kung ang mga kalahok ay magkapareha
(couple) o hindi magkakilala. Saka isasagawa ang mga emosyon sa mga . Sa
kabuuan ay 12 emosyon ang ginamit sa pag-aaral at lahat ito’y isinagawa ng
bawat isa sa mga kalahok na encoder. Anim dito ay ang tinatawag na universal emotions: anger, disgust, fear, happiness, sadness at surprise; tatlong prosocial
emotions: love, gratitude at sympathy; at tatlong self-focused emotions: embarrassment, envy, at pride.
Sa resulta ng pag-aaral, parehong nagawa ng
hindi magkakilala at ng magsing-irog (magkapareha) na i-express ang mga universal
at prosocial emotions sa pamamagitan
lamang ng touch. Subalit tanging mga magsing-irog lamang ang nagawang ma-i-communicate ang self-focused emotions na envy
at pride. Ayon pa kina Thompson & Hampton (2011) ang
mga emosyong karaniwang kinalilituhan natin ay iyong mga hindi nagkakalayo (hal.,
sa valence) at ‘yong magkakatulad ang
type of touch na ginagamit at
Bukod dito ay ikinumpara rin sa pag-aaral ang
ginamit na paraan ng pag-touch (na
nabanggit na sa itaas) kapag ang kapareha at kapag hindi kakilala ang ita-touch. Ito ay isinagawa sa pamamagitan
ng pagpapanood ng 10 sa mga video ng naganap na experiment sa “judges”. Ang mga
nagsilbing “judges”ay umayon (97% of the time) sa mga coding (type of touch) ng
lahat ng “touching-touching” na naganap. Lumalabas na magkatulad lamang ang uri ng touch na ginagamit ng kapag magkapareha o
hindi magkakilala.
Malalaman mo kaya kung ang taong humahawak sa’yo ay kakilala mo o
hindi? Oo raw. Oo naman lalo na kung ang iniirog mo ang hahawak sa’yo! Nasa
paraan ‘yan ng pag-touching-touching ninyo sa isa eh. Lalo na kung parang may kuryente.
At dahil diyan, may knock-knock joke ako.
* |
Ikaw: Who’s there?
Ako: Touching-touching.
Ikaw: Touching-touching who?
Ako: It's
not about the money, money, money
We
don't need your money, money, money
We
just wanna make the world dance,
Forget
about the price tag
Ain't about the (uh) Touching-touching!
NGEE!
Thompson, E. H., & Hampton, J. A. (2011). The
effect of relationship status on communicating emotions through touch. Cognition
and emotion , 25 (2), 295-306.
No comments:
Post a Comment