Ilan sa mga pinakagusto ko sa pakikipagsalamuha sa mga maliliit na bata ay ang paglalaro ng "Eat Bulaga!", "Close, Open", at "Sawsaw Suka". Natutuwa din sa ako sa tuwing nakikipag-usap sa kanila. Nakakatuwa kasi kung makatingin ang bata o sanggol sa iyo na parang naiintindihan n'ya lahat ng sinasabi mo, parang ito...
At sa tuwing humaharap at kumakausap ako ng sanggol, sadyang tumataas ang boses ko at nagbubulol ang mga salitang sinasabi ko. Baby talk ang tawag dito at naniniwala akong hindi ako nag-iisang umaakyat ang boses kapag may kaharap na baby. :)
Matagal nang pinag-uusapan kung kailangan ba talagang gumamit ng Baby talk ng isang tagapag-alaga sa isang sanggol at kung ano ang nagiging epekto nito sa kanyang paglaki.
Ang laging nakukuha kong rason sa mga nagbabantay ng bata na kaya sila gumagamit ng Baby talk ay nakakatawag daw ito ng atensyon ng mga sanggol. Subalit ang haka-hakang ito nang naobserbahan nila Singh at mga kasama (2009) na ang atensyon ng mga bata ay naibibigay sa mas may positive affect, kahit ang pamamaraan ng pagsasalita ay pangkaraniwan o baby talk.
Napag-aralan din nila Dehaene-Lambertz at mga kasama (2002) ang mga bahagi ng utak na aktibo sa speech perception sa ganitong yugto ng buhay. Mula sa ilang fMRI na ginawa sa mga sanggol na tatlong buwan pa lamang at malayong-malayo pa sa pagsasalita, nakita na aktibo na ang mga bahagi na kasangkot sa speech ng mga adult tulad ng superior temporal at angular gyri at ng pro-frontal cortex para sa gising na mga sanggol.
Ang galing 'di ba? Ganun kaaga na na-activate ang mga bahaging iyon para sa speech perception natin. Kaya siguro unti-unting naiintindihan ng mga sanggol ang mga pinagsasabi natin at natututo din silang magsalita habang sila ay lumalaki. :) Nakakatuwang malaman ang mga ganitong bagay, kung paano tayo natututo habang lumilipas ang panahon. :)
At dahil ang ku-kyut ng mga sanggol, hayaan nyong tapusin ko ito sa pamamagitan ng kambal na ito na kung mag-usap at magtalunan ay parang alam na ang lahat. :)
Sanggunian:
Singh, L, Morgan, J, & Best, C. Infants' Listening Preferences: Baby Talk or Happy Talk? Infancy. 3(3). 2002. Retreived from: http://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1207/S15327078IN0303_5. 05 March 2012.
Dehaene-Lambertz, G, Dehaene, S, & Hertz-Pannier, L. Functional Neuroimaging of Speech Perception in Infants. Science 6. 298(5600). 2013-2015. December 2002. Retrieved from: http://www.sciencemag.org/content/298/5600/2013.short. 05 March 2012.
Ang larawan ay mula sa Baby, at ang video ay mula sa Twins.
No comments:
Post a Comment